Saturday, May 21, 2011

:-D


 

 


Minsan nakakatawa...Nagsusulat tayo sa tuwing nalulungkot tayo...Minsan naman sa sobrang tuwa natin nakakapagsulat din tayo...Subalit bakit ganun pagmaayos na ang mga buhay-buhay natin mahirap nang ilarawan ang tuwang nararamdaman natin...

Mejo tumila na naman ang bagyo...Kanina parang mejo naaninag ko ang sikat ng araw...Mejo mahangin...Subalit ramdam ko pa rin ang nakakubling init...Init ng pagmamahal...Nangiti ako ngayon...at mejo natawa...hindi na ko naluluha...siguro bahagya na lang...

Tila lumipas na naman ang isang bagyo...Nag-iingat na lamang sa kaunting ambon na dulot ng nag-iimbot na panahon...

Hay! Ang buhay minsan nakakaloka...Minsan puno ng ligaya...Minsan naman sangdamakmak na buntong hininga...Ah basta ang alam ko...Sa tuwing ako'y malungkot...at sa tuwing ako'y masaya...mayroon akong isang maliit na lugar kung saan ko binubuhos ang lahat ng aking nadarama...Salamat sa naka-imbento ng friendster...Idol talaga kita!!!

p.s.

Ayan nangiti na naman ako...Beth tahan na...Kalimutan na ang lungkot na drama...Sa halip halika at tayo'y ngumiti at muling tumawa...

 

No comments:

Post a Comment