Saturday, May 21, 2011

Mga Lumang Litrato

Minsan naisip ko bakit ganun? Minsan nakakaaliw...minsan nakakalungkot...minsan sobrang nakakabagot...

Minsan naisip ko ang bilis ng araw...Kamakailan lang ang paligid ay puno ng kulay...Subalit bakit ganun...tila napakabilis ng lahat...parang isang araw na nagdadaan ng sobrang bilis...animo'y alikabok na tinangay ng hangin...

Minsan tila gusto ko munang lasapin ang bawat sandali...Maupo sa isang silid at pagmasdan ang kagandahan ng bawat minuto na siyang tatambad sa aking harapan...

Minsan naisip ko ...bakit ganun...ang buhay parang isang awitin...Masarap pakinggan...masarap indakan...subalit sa huli ang hirap kalimutan...

Ngayon aking natanaw ang mga lumang litrato...Lahat maganda sa aking paningin...Kulang na lang marinig ko ang mga halakhak...ang bawat expresion ng mukha na nagpapahiwatag na ang buhay maikli subalit masaya...

Bakit ganun...ang bilis ng panahon...parang kailan lang isa lamang akong uhugin na musmus...Walang hinanakit sa mundo...Puno ng saya at walang kapagurang tawa...Subalit bakit ganun...ngayon ako'y mejo may edad na...ang buhay pala'y hindi lamang napupunan ng puro ngiti at tawanan...dati ang paborito kong tanong, "bakit"...subalit nitong mga nagdaang panahon ang aking bukang bibig ay naging , "papano"...

Sa iyong palagay may patutunguhan ba lahat ng nasasabi ko? Sa iyong palagay ang bawat minsan ko ba'y katumbas ng salitang "sana"...

Marahil tama ka...

Ako ba'y nagsesentimiento dahil sa mga lumang litrato?...Siguro...O baka naman naiisip ko lamang na sana ang ang buhay pwedeng irewind...pweding i-stop...at pwedeng i fast forward...

Subalit...alam mo...masaya ako...bakit? sa kadahilang ang bawat litrato sa akin ay may significo...maging black and white man eto o colored...ang bawat larawan ay naging malaking bahagi ng aking buhay...Hindi ko man nakunan ang tunog ng bawat halakhak at hiyaw...subalit natitiyak ko...sa bawat makulay na papel...naiukit sa aking memoriya ang bawat lugar...kwento...kaibigan...kapatid...at simpleng pagkakataon na masasabi ko na sa buhay na ito...ako'y nasisiyahan na naging bahagi kayo ng simple at makulay kong mundo...

Salamat sa mga LITRATO!!!

No comments:

Post a Comment