Saturday, May 21, 2011

Kumusta?

Posted on September 22, 2009 by betchy8814.
Categories: Uncategorized.
Simpleng salita subalit nakakapagbigay ngiti…Isang salita lamang siya subalit bakit ganun ang malungkot na mundo ay tila napupuno ng pagbati…Bakit ganun parang mas masarap magsulat kapag malungkot ka…Kapag ika’y masaya ang hirap humanap ng mga salita na siyang magbubuo ng magandang kwento na puno ng kuwenta…Kapag ika’y masaya mahirap hagilapin ang magagandang larawan na siyang pwedeng magtanggal ng mga pang-agam-agam…Subalit pagmalungkot ko pansin mo ang lahat…pansin mo ang simoy ng hangin …ang tunog ng plawta sa kabilang bayan…ang malamyos na tinig ng kausap mo na tila kumakanta…Pag malungkot ang sarap magmuni-muni…ang sarap magsulat at higit sa lahat masarap magbahagi ng kung anu-ano…Ah basta masarap magsulat kapag mejo senti ka…
Halika tara…samahan mo ako sa aking pagmumuni-muni…tulungan mo akong bumuo ng mga lipon ng salita na syang mag-uugnay sa kwento mo at kwento ko…
Hay naku…sa ngayon masaya ako…subalit nais ko lang talagang magsulat ng kung anu-ano…
O sya, hanggang sa muli nating pagmumuni-muni…

No comments:

Post a Comment