Saturday, May 21, 2011

Pansamantala...

Pansamantala ako'y sumasabay sa agos ng alon...Hindi ko man lubos maisip subalit totoo...Minsan ang tao maraming plano sa buhay..Kaya ang bawat landas pilit sinusubukang tahakin...Ang iba milagrong nagtatagumpay...Ang iba naman pilit tinatahak ang daang alam nila ay tama.

Minsan ako'y nasisiyanahan...Minsan naman napakaraming bagay ang siyang bumabagabag sa akin...PIlit kong inaabot kung ano ang  nandun...Maraming beses na masasabi kong minsan sa aking buhay narating ko ang nais kong marating...Subalit mahirap pala ang mag-umpisa ulit..

Sana marating ko na ang dulo ng bahaghari...at sana sa lugar na iyon makita ko na nga ang aking hinahanap...

Pero pansamantala...ako'y masaya...

Sana...sana...malapit na... :-D

No comments:

Post a Comment