Saturday, May 21, 2011

Sa May Bintana...

Kaninang umaga ako'y nakatanaw sa bintana...Pilit kong sinisinghot ang malinis na hangin...Malungkot ang langit...Malamig ang panahon...Nangiti ako ng bahagya...Bigla kong na-"miss" ang pagbuhos ng nyebe...:-(

Di ko lubusang maisip na magkakaroon din pala ng panahon na dadalawin ako ng mga lumang alaala ng Olney...Malungkot at minsan masaya ang lugar na iyon...Maraming beses na ako'y nag-iiiyak sa tuwa dala ng napakaraming kababayan natin na tila naging kapamilya ko na rin...Subalit napakaraming beses din na ako'y nasa isang sulok ng aming kwarto at pinipigil ang paghikbi at pilit ikinukubli ang mga singhot at luha na dala ng nalulumbay na palagid...

Marami akong natutunan sa lugar na iyon...Ako'y tinuruan ng lugar na iyon na magbigay...makinig...at magmahal...Tinuruan din ako ng lugar na iyon na ngumiti...at tumawa...Namimiss ko na ang mga huni ng mga ibon...Di ko na rin naririnig ang maingay na pagbati ng mga gansa...Di ko na rin matanaw ang malaking puno sa tapat ng munting bintana na laging nagdudulot sa akin ng bagong sigla...

Marami akong pilit kinalumutan sa lugar na iyon...Mga kaibigan na nagdulot ng bagong kulay sa aking bagong mundo...MInsan bakit ganun...Nagkakamali tayo sa pagpili ng mga taong iiwanan...Madalas nagpapadala tayo sa ating mga emosyon...Minsan nagpapadala tayo sa galit na dulot ng mga "kwento" na hindi natin alam kung makatotohanan o hindi...Minsan bigla na lamang tayong nag-iiwan ng puwang sa mga buhay ng mga taong nagbigay sa atin ng rason upang humalakhak muli...Napakahirap banggitin ang mga katagang.."I'm sori...."Kung nababasa sana nila ang bawat katagang nais kong sambitin...--maiintindihan kaya nila ako...mababalik ko pa kaya ng mga halakhak na minsan ay aking binawi... :-(

Minsan ang hirap aminin na ika'y nagkamali...

Naniniwala ako magkikita-kita pa rin tayo...at pagdating sa panahong iyon sana pag tinapunan ko kayo ng aking matatamis na ngiti...maibahagi kaya ninyo ulit ang mga halakhak na minsan ay nagbigay ng saysay sa aking malatelenovelang buhay... :-(

No comments:

Post a Comment